0
Lahat - Yano (PHL)
0 0

Lahat Yano (PHL)

Lahat - Yano (PHL)
Lumiyab ka araw
Umiyak ka ulan
Bumagyo ka hangin
Magluksa ka buwan sa lahat

Silaban mo ang bawat puso ng ‘yong apoy
Dalisayin ang namumuong poot at buhayin ang pag-ibig

Diligan mo ng kasiyahan sa pagtatampisaw
Ang tigang na isipang naglalagalag
Pasibulin palayaing tunay
Lumiyab ka araw umiyak ka ulan
Bumagyo ka hangin magluksa ka buwan sa lahat

Gibain mo ang balakid na namamagitan sa amin
Ipagsama kami sa pagsisimulan sa paraiso ng buhay

Tanglawan mo ng dalamhati ang pagdiriwang
Pumintas ka ng ngiti gumapas ka ng tuwa
Sa kamatayan at kabiguan
Lumiyab ka araw umiyak ka ulan
Bumagyo ka hangin magluksa ka buwan sa lahat

Sa lahat
Sa lahat
Sa lahat
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?