0
TRPKNNMN - Gloc-9 (Ft. Agsunta)
0 0
TRPKNNMN - Gloc-9 (Ft. Agsunta)
Pagod sa trabaho, makulit na amo
Wala pang sweldo baon ko di aabot paano
Ko pagkakasyahin pengeng malupit na plano

Sahod na parang nakahingi ka ng balato
Disgrasya demo-demokrasya
Dito sa bayan na karangyaa'y madalas na pinapantasya
Lumang sapatos na pilit mong pinapagkasya
Pangarap na di mo mapaliit ang distansya
Na maabot, oy alas singko na pala
Makabyahe na para di makasabay ang iba
Sa kalsada na palagi na lamang halabira
Mga maling sulat ng lapis pero di mo mabura
Gano na ba kahaba ang pila sa LRT
Sana nama'y hindi na tumirik ang MRT
Ingat baka madukutan ka pa ng Iphone 3
Ito ang ‘sang dinadaing araw man o gabi

Gusto ko nang umuwi
Gusto ko nang umuwi
Araw araw na lang ganito mula sa Monumento
Lalo hanggang sa Quiapo
Crossing ilalim, ibabaw nasan ka na raw
Nasa Cubao nilalangaw
Gusto ko nang umuwi
Gusto ko nang umuwi
Kaso trapik na naman
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?