[Chorus: Jac Dionisio]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pa'no kung tama siya?
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pa'no kung tama siya?
[Verse 1: Gloc 9]
Tinta at panulat ang ginamit
Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit
Nag-aral nang matuwid parang sangi-saking anit
'Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit
Ng amoy nung ako'y magpasyang ituloy
Ang pagsulat ng talata na magsisilbing apoy
Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy
Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy
Kahit na sabi nila ako'y hindi pumapalag
Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag
Bakit kailangang magpatayan ng maghapo't magdamag
Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo'y libag?
Makalipas ang isang daang taon at limampu
Ano ang aking namasdan, ano ang aking natanto?
Para bang ang panahon mula noon ay huminto
Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto?
Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan:
Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian?

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.