[Verse 1: Ron Henley]
Araw-araw ay kabaliktaran ang swerte
Mukha lang inosente pero pwede mag-rebelde
Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende
Kung minsan ang kulay pula'y ginagawa kong berde
Nakasagutan ko si nanay, si utol nakaaway
Hindi na 'ko umuuwi ng bahay
Nagpunta sa kapitbahay, nakitulog, nakitambay
Naki-uso, nakibagay, naki-usok, nakitagay
Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo
Paulit-ulit lang umaasang may magbabago
Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao
'Pag nagtalo 'yung dalawang aso, 'yung mabuti 'yung talo
Napalayo sa reyalidad
Naglalakad ako ngunit akala ko ako'y lumilipad
Naging tamang hinala, panay maling akala
Hinahabol ko ang tama at mukhang mali na 'ata
[Chorus: Kat Agarrado]
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, 'wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (Dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang
Humahakbang paakyat ng hagdan

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.