[Intro: Guddhist Gunatita]
Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
[Chorus: Guddhist Gunatita]
Kahit sa'n banda mong tignan, alam kong 'di madali
Intindihin 'yung pangyayaring mali
Kulang pa ngang kabayaran ang aking pagkasawi
Kung susumahin ang lahat nang nagawa kong mali
Pero kailangang magpatuloy, lumaban
Bitawan 'yung mga hindi kailangan
Mahiwagang pagkabuhay minsan man
Hindi sumasang-ayon kapalaran
[Verse 1: Guddhist Gunatita]
Ay kailangan mong tibayan sa'yong bawat sandali
Kung ayaw mo mapag-iwanan ay 'wag ka magmadali
Kahit ilang beses sabihin sa inyo ipabatid
'Di niyo pa rin maiintindihan kung gan'o kasakit
Mga materyal ko na yaman, wala 'yan
Silbi kung wala ring kapayapaan
Sa sarili kong isipan hayaan
Mo akong gamutin ang kasalanan
Ng kaluluwa ilang beses na nasaid
Sa mga bagay na akala ko ligaya ang hatid
Minsan siguro mas mabutin sarilihin 'yung sakit
Para walang ibang madamay sa lungkot at pighati
Kahit minsan nakakasawa, alam mo 'yan, patuloy ko na kinakaya
Nakaraan tuluyan ko nang pinalaya, pagkabuhay ko ngayon ay tinatama

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.