[Verse 1]
Noong Paskong una, si Mariang Ina
Sanggol niyang kay ganda, 'pinaghele sa kanta
Awit niya'y kay rikit, anghel doon sa langit
Sa tamis naakit, sumamang umawit
[Chorus]
Pasko na, Pasko na, Pasko na
Sumabay, sumabay sa kanta
Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda
[Verse 2]
Mga tala't bituin, pati ihip-hangin
Nakisama na rin kay Mariang awitin
Ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
Hango sa awitan ng unang Paskuhan
[Chorus]
Pasko na, Pasko na, Pasko na
Sumabay, sumabay sa kanta
Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda
[Verse 3]
Mga tupa't baka sa giray na kuwadra
Umungol, dumamba kasabay ng kanta
Pastores sa paltok, sa tuktok ng bundok
Kahit inaantok, sa kantaha'y lumahok
Noong Paskong una, si Mariang Ina
Sanggol niyang kay ganda, 'pinaghele sa kanta
Awit niya'y kay rikit, anghel doon sa langit
Sa tamis naakit, sumamang umawit
[Chorus]
Pasko na, Pasko na, Pasko na
Sumabay, sumabay sa kanta
Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda
[Verse 2]
Mga tala't bituin, pati ihip-hangin
Nakisama na rin kay Mariang awitin
Ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
Hango sa awitan ng unang Paskuhan
[Chorus]
Pasko na, Pasko na, Pasko na
Sumabay, sumabay sa kanta
Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda
[Verse 3]
Mga tupa't baka sa giray na kuwadra
Umungol, dumamba kasabay ng kanta
Pastores sa paltok, sa tuktok ng bundok
Kahit inaantok, sa kantaha'y lumahok
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.