0
Gaano Kadalas Ang Minsan - Ogie Alcasid
0 0

Gaano Kadalas Ang Minsan Ogie Alcasid

Gaano Kadalas Ang Minsan - Ogie Alcasid
[Verse 1]
Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
Singdalas na rin ng dami ng bituin, waring walang hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan

[Verse 2]
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa 'kin sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan
Dahil sa ganoong paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba?

[Chorus]
Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas

[Verse 3]
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa akin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y mamamatay?
Ga'no kadalas, ga'no kadalas ang minsan?

[Chorus]
Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?