[Verse 1]
Tubig at langis
Ang katayuan nati'y 'yan ang kawangis
Pilitin mang magsama'y may mahahapis
Ganyang-ganyan tayong dalawa
Ang panuntuna'y magkaiba
[Verse 2]
Langis at tubig
'Di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang siyang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba
[Chorus]
Tubig at langis
Idarang man sa init, 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay 'di maalis kung labis
[Verse 3]
Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig?
May dasal ba akong hindi Niya narinig?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig
Tubig at langis
Ang katayuan nati'y 'yan ang kawangis
Pilitin mang magsama'y may mahahapis
Ganyang-ganyan tayong dalawa
Ang panuntuna'y magkaiba
[Verse 2]
Langis at tubig
'Di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang siyang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba
[Chorus]
Tubig at langis
Idarang man sa init, 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay 'di maalis kung labis
[Verse 3]
Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig?
May dasal ba akong hindi Niya narinig?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.