[Verse 1: Loonie]
Limitado ang renta natin sa planeta
Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta
Kung pinanganak ka ng dekada otsenta
'Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta
Alaala na ang kabataan ang saya-saya
Hanggang sa ang barkadahan ay nagkaniya-kaniya
'Di na mapaghiwalay 'pag nagdikit silang lima
Hanggang sa tumanda at nagkapamilya na sila
Dating magkatropa, mga trip ay nag-iba
Tsaka na lang nakumpleto nung libing na nung isa
May langit nga ba? Pa'no kung wala?
Nasayang lang ang buhay mo sa kakatingala
Kakahintay sa gantimpala't himala
Sumabay sa sablay na paniniwala ng madla
Pasok sa paaralan, maghapong tulala
Hanggang sa makatapos pero trabaho ay wala
Tatambay maghapon na mabahong paa
Oras na para bumangon, aba
Palagi ka na lang nakahiga, kahapon ka pa
Maraming oras para d'yan kapag nasa kabaong ka na
Sasayangin mo kaya ang segundo kahit isa
Kung alam mo na kung ilan na lang ang natitira?
Ano kaya sa mga ugali mo mag-iiba?
Kung alam mo na kung kailan ang huli mong hininga
Habang buhay ka ba mananatiling nakatanga?
Anong gusto mong gawin? Nakapili ka na ba?
Napakaikli, nakakabitin talaga
Sulitin mo na habang humihinga ka pa
Gamit ang lapis sa bulsa, ako'y mag-iiwan ng marka
Na 'di maaring mabura subalit aking napuna
Ang gusto ng karamihan ay sa langit mapunta
Ngunit bakit walang nais mauna?

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.