[Verse 1]
Ako'y probinsyano, purong Batangueño
Nangarap lumuwas, maghahanap ng trabaho dito
Alam niyo?
Ang perang bitbit ko'y inutang pa ng tatay ko
Ang kanyang bilin, 'di dapat kalimutan
Huwag ipakitang wala akong alam kanino man
Upang 'di maisahan
Ng mga manlolokong promdi ang binabanatan
Sa terminal ng bus na pampasahero
Sa akin may nagtanong, "Loton ka ba, pare ko?"
Upang 'di mahalata ay sumagot ako
At ang sabi ko na lang, "Kumusta na ba'ng inaanak ko?
Gaya ng nakasanayan, kapag mayro'ng hagdanan
Pares ng aking tsinelas ay akin lang iiwan
Nang sa bus ay bumaba, ito'y 'di namataan
Nasabi ko na lang, "Ala eh, grabe kawatan"
[Chorus]
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
[Verse 2]
Sa'king paglalakad, ako ay nagtaka
Bakit dito sa Maynila, wala nang nakapalda?
Lalaki sa babae, walang pinag-iba
Mahahaba ang buhok at may hikaw pa sa tainga
Akin ding napagmasdan, mga kababaihan
Hindi ko nakilala kung 'di pa nagtawanan
Ang usapan, aking napakinggan
Ang sabi ng isa, "Saang planeta galing 'yan?"
Nang aking mapansin bawat taong magdaan
Bakit lahat sila sabay-sabay kung magtawanan?
Nang aking mapuna, ako pala'ng tinitingnan
'Pagkat bukayo kong dala, akin palang naupuan
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.