0
Gatas at Asukal - Gloc-9
0 0

Gatas at Asukal Gloc-9

Gatas at Asukal - Gloc-9
[Intro]
Tuloy-tuloy ang halo
Ang kutsara sa loob ng tasa na bilog

[Chorus]
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape

[Verse 1]
Ako si Aristotle, makatang taga-Rizal
'Pag may lapis at papel, tawagin mong kriminal
Kasi 'di puwede ang talas na tangan 'pag karibal
Tuwing makikipagtalastasan, ay tila animal
'Di mahilig sa pasiklaban, ang pakay lamang ay
Palawigin ang kasipagan upang makasabay
Sa mga bago, humango, patong, puwedeng tumangay
Ang gamu-gamong napaso, huwag ka lang palasuway
Mas mahaba ang sungay ay mas madaling mababali
Kapag nagbibigay-pugay ka, lagi mong mababawi
'Di na suweldo kundi karaniwan aking binali
Tagalog na naiintindihan kahit anong lahi
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?