[Verse 1]
Wala akong kasalanan
Bakit pinagbibintangan
Dapat kayang kamuhian
Ang tulad kong mahirap lang
[Verse 2]
May tao bang sadyang ganyan
Hinahamak ang sinuman
Pang-aapi'y kasiyahan
Bakit kaya sila’y ganyan
[Chorus]
Wala silang karapatan
Na ako ay paratangan
'Pagkat sila'y walang alam
Sa tunay kong pinagmulan
Wala akong kasalanan
Sana ako’y huwag husgahan
Kasalanang 'di ko alam
Hangad ko ay katarungan
Nasaan
[Verse 3]
Kailan kaya magwawakas
Ang dusa ko't paghihirap
Kailan kaya malalasap
Katarungang hinahangad
Wala akong kasalanan
Bakit pinagbibintangan
Dapat kayang kamuhian
Ang tulad kong mahirap lang
[Verse 2]
May tao bang sadyang ganyan
Hinahamak ang sinuman
Pang-aapi'y kasiyahan
Bakit kaya sila’y ganyan
[Chorus]
Wala silang karapatan
Na ako ay paratangan
'Pagkat sila'y walang alam
Sa tunay kong pinagmulan
Wala akong kasalanan
Sana ako’y huwag husgahan
Kasalanang 'di ko alam
Hangad ko ay katarungan
Nasaan
[Verse 3]
Kailan kaya magwawakas
Ang dusa ko't paghihirap
Kailan kaya malalasap
Katarungang hinahangad
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.