[Verse 1: Ron Henley]
Daanang kanina'y tuwid panay kurba
Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda
Ramdam mo ba yung alon handa na kong masuka
Tara pumasok na sa pintuan bago pa magsara
Gan’to pala pag nagbabalat ang langit kulay kalabasa
Tubig na nagmula sa nawasa naging prutas ang lasa
Mga salitang nagkasundo mensahe'y pasa-pasa
Mga numero sa mundong ito tila may pinapabasa
Yung nasa dingding ay nagsasalita sirang plaka
‘Di kaya pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ako mismo ang taya
Kaya di nagpabaya baka tuluyang maligaw mawala
Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig
Naging larawan ang nagkaisang mga butas ng banig
Ingat lang sa pagpanik pagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik
[Chorus: Jameson]
Kapit ka lang maigi wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kailangan daw munang yung papag ang unang mahigaan
[Verse 2: Ron Henley]
Bulag man ako sa oras nasipat ko naman ang katotohanan sa likod ng kalawakan
Nakita ko sila ngunit di ko mahawakan
Baka lang maabala at mukha naman silang masayang nagsasayawan
Mga guhit na nag-uugnay sa pagitan ng mga bituin
Nagiging tigre yung isa sa mga dating nailigaw na kuting
Ang mga pira-pirasong pangarap na kelangan pang buuin
Tinanim sa lupang bibihira tumaba kaya ayaw nilang dakutin
Buhat nung ako'y naliwanagan
Isang malubak na lansangan naging bagong kapatagan
Kung walang pusong pinayayaman
Isa lamang pangit na pulubi ang kayamanan
Ang buhay man ay maulan
Pero tandaang tubig ang dahilan kung ba't may kakahuyan
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.