0
Alastress - Because
0 0

Alastress Because

Alastress - Because
Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas?
Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Wala pa ba sayong naghahanap
Ayoko sana na maging istorbo saiyong pagsasaya, alam ko naman na merong ganap
Pero ang magulang mo ngayon malamang nag aalala, dapat umuwi ka ng maaga
At hindi naman yun para lang sakanila, alam mong madilim na sa kalsada
Iniwanan ka na ng iyong mga kasama, mataas ang tyansa mo ngayon na mapahamak
Minor de idad ka palang,pero ang lakas mo nang makainom
Sabihin nalang nating masarap talagang tama ng alak pero mga kasama mo'y masasama ang intensyon

Chorus:
Ala stres ng madaling araw asan ka na ba
Ala stres ng madaling araw asan ka na ba
Ala stres ng madaling araw asan ka na ba
Ala stres ng madaling araw asan ka na ba


Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas?
Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Wala na ba sayong naghahanap
Alam ko na masarap maging kolehiyala, pakiramdam mo ay alam mo na lahat
Ang pag iinom ay iyo nang napagaralan, kaya dyan ka nalang bumabagsak
Ang baon na binibigay sayo ng yong magulang, ginastos mo nalang lahat sa toma
Sila'y pinunong puno na, hindi naman nagkulang pero sumosobra ka na. kelan ba hihinto yan?
Wala ka na bang balak na pumasok? kaya tinutulugan mo'y harap ng sinaraduhang pintuan
Imbis na matapos ang pagaaral, tinapos mo ang yong kinabukasan

Anong oras ka na ba matutulog
Makinig ka sana sakin kung sakaling mahuhulog na
Bakit nakaposas ka na sa kamay nya
Umuwi ka na, anong oras na, anong oras na
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?