[Chorus: Gloc-9]
Madami ang 'di madali dito sa amin (dito sa amin)
Ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin)
Sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin)
Malalaman mo na 'pag napadaan ka
Daang daang kabang tanso
Pasang walang laang hinto
Hakbang, hadlang, sarang pinto
Malalaman mo na 'pag napadaan ka
Halika

[Verse 1: G-Clown]
Sa lupain, kung san ba tinubuan ng husay, gumaling
Nakipag-balagbagan ng sungay, tumalim
Nilagyan ng kulay ang mga tula't hinaing
Kaya mulat dumating
Salamat kay nanay, gumana ang pakay
Mga umalalay, humanap ng palay
(Kaya ako naririto)
Buhay na inalay, inaral, nag-sanay
Umasa na sana'y pangarap maakay
(Ipinangakong 'di uuwing bigo)
Hindi kumaliwa
Nakaipon ng tubig kahit na butas na ang timba
Mga luha't pawis na ni minsa'y 'di ko ininda
Lukot na papel, panulat na naubos ang tinta
Panahon ang nagdikta
Tubong Tanay, na kung san-san napadako
Patuloy sumasabay, kahit sa luma o bago
Ako yung panday na pandayo, sakay ng kabayo
'Pag nag-sunog ng kilay, 'di mo pagkakamalang tao
Estudyanteng pumapasok kahit na sarado (sarado)
Malinaw ang mata kahit na ang taas ng grado (grado)
Payaso ang plaka, pero 'pag nag-ayos, plakado (plakado)
Kilalang kwela sa eskwela, pero laging eskwalado (eskwalado)
Ganado palagi, madapa o magapi
Matalo, masawi, ano man ang kapalit
Handa 'kong magbawi, babangon pabalik
Ano mang dagok, 'pag tinaya mo pati pato, madali
Daan ay tila nag-yelo
Dumulas man ang sasakyang minamaneho
Hinding-hindi magpepreno
Dibdib hindi na dinaga nung mahainan ng keso
Ako ay susugal hanggang magapi ang bangkero
Tayo ay hindi pareho
Kung nakabase ka sa malakihan na premyo, salaping nakaselyo
Sa'kin ang pinaka-sentro, siyento porsiyento
Ako ay nakatodo palagi hanggang maging bida sa kwento
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?