[Chorus]
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
[Verse 1]
Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo
May mga lorong 'di makalipad, nasa hawlang ginto
May mga punong walang dahon, mga pusong 'di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Mula nang makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago
Ngayon ang puso'y may takot sa lupang pinangako

[Verse 2]
Dati-rati ang mga bukid ay kulay ginto
Dati-rati'y ang mga ibon 'sinlaya ng tao
Dati-rati ay katahimikan
Ang musikang nagpapatulog sa mga batang walang muwang sa mundo
Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan niyo ng luha ang apoy sa kaniyang puso
Dinggin niyo ang mga sigaw ng mga puso
Ng taong una niyong dadamhing kabilang sa inyo

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.