0
Abrakadabra - Abra (PHL)
0 0

Abrakadabra Abra (PHL)

Abrakadabra - Abra (PHL)
[Intro]
Kagalang-galang na mga nilalang ng mundong ibabaw
Ito na pala ang pinakahihintay niyong lahat

[Refrain]
Handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?
Pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay
Pinagkamalan na rebelde pero tinanghal na tunay
Na makatang hibang, sino ba kasi 'yan?
Ang eksperto sa paggamit ng tayutay na magulang
Mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang
Puro isip bata at 'yan ang patunay na magulang
Ang makatang hibang, sino ba kasi 'yan?

[Verse 1]
Ako si Abra, kadabra, handa ka na ba, p're?
Wala akong pake kung hindi, 'wag kang maarte
Makinig ka na lang sa mga kataga na medyo mabangis
Sobrang bukambibig na parang presyo ng langis
Ang sadistang rapista artista na boy
Kaya hasta la vista sa rap na baduy
Istupidong pag-ibig sa mga kanta ng unggoy
Walang kawala na para bang nasalanta ng Ondoy
Ako ang nabuwang na mukhang mabait
Maluwang ang damit at lubhang masakit
Ang mga salita ko pangdalubhasang galit
Eh 'yung sa'yo naman parang nagmula lang sa pwet
“Walang class”, talaga?, “Ang baduy”, mas desente ka?
Kung ayaw mo kanta ko sana lang maaksidente ka
Mahulog sa hagdanan, malunod at makuryente ka
Tagalog o Ingles, sa'kin magkakaletse-letse ka!
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?