0
Paralumbay - Adie
0 0

Paralumbay Adie

Paralumbay - Adie
[Verse 1]
'Di ko alam kung saan ako nagkulang?
'Di ko alam
Sinubukan balik-balikan
Ang dating sayang alaala na lang
'Di kalaunan nahanap ang tahanan mo sa piling ng iba
Hindi ba pangako mo noon na tayo lang?
May dulo pala ang walang hanggan

[Verse 2]
Sumisilip lagi sa araw-araw ang mga araw kung saan
Wala tayong pakialam sa ingay ng kapaligiran
Musika lang natin ang papakinggan
'Yung dating atin, 'di na kaya ng panalangin
Binubulong na lang sa hangin (Ang)
Mga katagang mahal pa rin kita kahit meron ng iba
Ano pa ba 'king magagawa?

[Pre-Chorus]
May dahilan pa ba para lumigaya?
Kung sa piling niya ika'y masaya
Ayoko na lang magsalita

[Chorus]
Oh, Paraluman, ba't ka lumisan?
'Di na kita maaring madala sa
Paraiso, hmm
Palagi ka niya, sanang ingatan
'Wag pagsawaan, 'wag ka ring pabayaan
Isasayaw kita
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?