[Verse 1]
Yuh, mga manggagaya mula sa sinapupunan
Ng kanilang 'sang ina
At kung maghanap ng pwedeng matularan
Kaliwa hanggang sa kanan
Limitado pa sa kanilang paggunita, uh
Yah, 'di man parehas sa tinta
O bilihin sa listahan ng aking mga kababayan, uh
Nananatiling katapatan ng imba'y 'di susuko sa hintay
Hanggang man aking kamatayan na
[Pre-Chorus]
Sa hilaga hanggang timog, ramdam ang sindak
At sa kanluran at silangan naman may imbak
Na katas ng katotohanang lamang na alam
Malamang pinagdamot sa buong mundo
'Di mo 'ko masisisi sa paksang aking napili
Na 'di bilang ng daliri ng dalubhasang bobo
Kung usapan ay pera, walang tanong, ito'y gyera
Aking sagot ay dalawapu't dalawang oo
[Chorus]
Biniktikan hanggang Tabacuhan
Tara mag-Sta. Rita, Mabayuan
Mapa-Remi, Oval, Marikit o sa Memorial
Lungsod ng Olongapo, 'tatak mo sa memorya
Ang Tapinac na hinati ng Magsaysay
Kalalake ta's Pag-Asa wagayway
Lahat ng aming dalampasigan ay may storya

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.