0
Permanente - Kritiko (Ft. Honcho)
0 0
Permanente - Kritiko (Ft. Honcho)
[Verse 1: Kritiko]
Tandang-tanda ko pa mga sumpaan nating dalawa
Walang iba, ako lang at ikaw na ay masaya
Nag-iisa lang ako sa buhay mo mahalaga
Kasama ka sa lahat-lahat ikaw lang talaga
Ako'y kumapit sa sumpaan nating walang iwanan
Mga balakid sa paligid pilit na dinadaan
Na lang sa tawa at tiwala ko sa'yo noon pa man
Kahit maraming nagsasabing may iba na daw laman
Hindi na mabilang ang dami ng mga balitang sa akin nakakarating
Nakikipagkita ka nang palihim, ah, kaya 'di ka na makatingin
'Di ko na sana 'to papansinin kaso ang malagim kahit na mag-piring
Nagawa mo pa rin na magsinungaling (Nakita ko mismo kayo sa dilim)
Lahat ng mga salita at pangako mo kahit isa ay walang natupad
'Di ko hinangad ibigay mo lahat kahit inalay ko na ang sagad
'Di ko matanggap ang mga naganap, lahat pala ito'y pagpapanggap
Buong buhay ako sa'yo'y naging tapat, ba't nagawa mo pa ring maghanap?

[Chorus: Honcho]
Binigay ko naman na ang lahat pero bakit kulang pa rin
Ano man ang hinangad mo ay aking tutuparin
Hindi rin naman kita masisisi kung bakit ka naghanap
Siguro nga ay dahil sa'kin kaya gumulo ang lahat

[Verse 2: Honcho]
Sandali, 'di ko matanggap, ang dali natapos ng lahat
Ang dilim, 'di ko makapa, ang liwanag ay nawawala
Tulala dahil wala ka na, ewan ko kung kaya mag-isa
Bahala na kung magkamali dahil 'di ko malalaman kung
'Di ko susubukan sa'yo na mapalayo, pakpak ko ay nabali pero kayang tumayo
Ang daming pupuntahan pero 'di pagkabigo, gagamitin lang 'yun para lumago, oh-oh
Ito na lang ang tanging paraan para aking malampasan
Mga alaalang masakit, dulot ng nakaraan
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?