0
Walang Babala - Loonie
0 0

Walang Babala Loonie

Walang Babala - Loonie
[Verse 1]
Itong kantang ito'y hindi 'yung typical single
'Di 'yung tipong pwede mong gawing political jingle
'Di 'yung klaseng awitin na umuuso sa 'Pinas
Pinag-isipan kong mabuti, buong pusong binigkas
Kasi karamihan nakikinig lang sa Imeem
Wala raw pera pero meron pambiling ice cream
Okay lang, salamat sa suporta
Salamat din nang sobra sa lahat ng mga kalaban na kumontra
Para balanse na parang valium sa kape
Kulang na lang sa aking album ay platinum na plake
Pero wala akong pake kung bumili ka o hindi
Gusto kong malaman, eh kung bumilib ka ulit
Sa mga katagang talagang nakakamangha
Obra maestrang sobrang ayos nang pagkakagawa
Malakas mambara pero merong sabaw panulak
Ako ay bulalo puro buto pero may utak

[Verse 2]
Kaliwa't kanan balitaktakan, matapang na nakipaglaban
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay nakipagtanan
Mahirap paliwanagan baka 'di pa paniwalaan
Kahit tapakan, pare, wala lang, balewala 'yan
Kahit hinihila pababa ng mga pasimple kung bumanat
Sabi ko naman sa'yo libre ang mangarap
'Di mo 'ko kilala, 'di mo alam ang kayang kong gawin
Kaya niyo ba 'to, dukha pero ganado pa rin
Lahat ng banat malupit kahit hindi sinasaulo
Kalaban ay punit na parang liham sa pangulo
Mabagal, mabilis, kayang-kaya, wala 'tong daya
Tagalog o Ingles, walang hiya kahit Bisaya
Paminawa ang sugilanon sa usa ka daot
Para to sa mga sibuwano na maka sabot
Mura ra gud mga balak nga ginapulti ni Syke
Chorus na pud ta padung hala pakusgi ang mic
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?