Bakit pa kaya kailangang dumilim?
Bakit hindi na lang maging maliwanag habangbuhay?
Iyan ang paulit-ulit mong tanong sa akin
Sa gabi-gabing ubod ng panglaw at katahimikan
Malayo sa kulay at sigla na mayro′n ang araw
Malamig, maginaw
Bakit ba naman kasi kailangan pang dumilim?
Bakit kailangan pang paikutin ng sansinukob ang kalupaan
At bigyang-pagkakataong maitago sa kawalan ang mga lihim?
Ano'ng kinalaman ng oras?
Masisisi ba ang mga bituin?
At sa dami ng tanong na iwinasiwas mo sa akin
Ay siyang dami rin ng sagot na bumubuo sa isipan ko
Pero tanging "Mahalaga ka" ang salitang nabitawan ko
Alam ko lang, nagpasalamat ako sa mga pagbabakasakali
Alam ko lang, nagpasalamat ako sa mga "Paano kung...?"
Sa pagtatalo sa isip ko na hindi ko alam kung saan hahantong
Paano kung nagkataong sa iba?
Paano kung hindi kita nakilala?
′Wag naman sana pero gaya nga ng iniisip mo
Hindi ko nga masisisi ang mga bituwin
Lalo na't ubod ng ligaya ang kinang nito sa 'yong mga mata
At ′di rin nagkasala ang oras dahil itinakda niya
Ang pinakamagandang panahon at pagkakataon para makilala kita
"Mahalaga ka", ang tanging lumabas sa aking bibig
Habang dahan-dahan kong napapansin ang unti-unti mong pag-idlip
Inilalayo ka nito sa katotohanan kaya sana makita kita sa panaginip
Nang sa gayo′y hindi pa huli ang lahat

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.