[Chorus: Denise Barbacena]
Dahil sa dulo, bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang i-aabot
Sinong pinili? 'Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama

[Verse 1: Gloc-9]
Alam natin ang tama, ba't 'di natin ginagawa?
Paulit-ulit na lang na ito ang bagong simula
Simula nang simula, bakit walang natatapos?
Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos
Ilang beses nangako, ilang beses napako
'Bat di natin subukan at tulungan at umako?
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
Pag tayo'y nagsama-sama, lahat ay malalampasan
May mas maayos na bukas para sa'ting mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota, 'wag na tayong magpa-uto
Na sa'tin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang 'pag pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong 'di ka na kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung 'di tayo kumbinsido, wag na nating ihalal

[Chorus: Denise Barbacena]
Dahil sa dulo, bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang i-aabot
Sinong pinili? 'Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?