0
Awit ng mga Naiwan - Live - Mula Sa Buwan
0 0

Awit ng mga Naiwan - Live Mula Sa Buwan

Awit ng mga Naiwan - Live - Mula Sa Buwan
[Verse 1: ROXANE]
Ang irog ko'y lumisan na 'di nagpaalam
Tila ibon papalayong lumipad
Ngayo'y nangungulila, kan'yang dating tahanan
Pinangakuang dilag

[Verse 2: ROXANE & FEMALE COMPANY]
Nasa'n ang pag-ibig na minsa'y inialay
Sumpa niya'y tunay at wagas
Pilit ko mang limutin ang kan'yang alaala
Sa bawat patak ng luha'y bumabalik s'ya

[Verse 3: ROXANE & FEMALE COMPANY]
Pag-ibig niya'y nadarama
Ang tinig niya'y naririnig pa kahit na umiidlip na
Tinatawag ang ngalan mo sa tuwina

[Verse 4: ROXANE & FEMALE COMPANY]
O irog ko'y babalik ba?
Laging nakikita't ginugunita kahit 'di na sadya
Larawan niya'y ipininta sa tuwina

[Verse 5: FEMALE COMPANY]
Hindi malilimutan ang aming sumpaan
Pumanaw man sa daigdig (sa daigdig)
Saan ka man abutin, o ibong lumaya
Pag-ibig ko'y iyong dinggin
[Outro: ROXANE & FEMALE COMPANY]
Kung 'di na mababalik sa 'yong tahanan
Pintuan ay ipipinid
(Ahhh) Laging sasariwain ang kan'yang alaala
Ang minsan mong inibig, naghihintay
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?