0
Magnanakaw - Asin
0 0

Magnanakaw Asin

Magnanakaw - Asin
[Verse 1]
Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no'ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan

[Chorus]
Ito kaya'y totoo, ito kaya'y nangyayari
Ito kaya'y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon?
Ito kaya'y dahil na rin sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain at sa iba'y nakikinabang

[Verse 2]
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala?
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa

[Chorus]
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari, madaling makilala
Balatkayong ginagamit kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya

[Verse 3]
May nagnanakaw ng oras, talino, at pawis
Pati ang galing kung minsa'y ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin
Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan na lang ba natin?
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?