0
Pag-Ibig Sa Tabing-Dagat - Orange & Lemons
0 0

Pag-Ibig Sa Tabing-Dagat Orange & Lemons

На этой странице вы найдете полный текст песни "Pag-Ibig Sa Tabing-Dagat" от Orange & Lemons. Lyrxo предлагает вам самый полный и точный текст этой композиции без лишних отвлекающих факторов. Узнайте все куплеты и припев, чтобы лучше понять любимую песню и насладиться ею в полной мере. Идеально для фанатов и всех, кто ценит качественную музыку.
Pag-Ibig Sa Tabing-Dagat - Orange & Lemons
Isang dapit-hapon sa tabing-dagat
Sa aking paglalakad
'Di ko maiwasang mapansin ang mga bagay-bagay

Ang hangin na masuyod na dumadampi
Sa aking mga pisngi, hmm‚ at bumubulong
Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo'y matang
Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay

"Nasaan na sya?"
Para bang nagtatanong
Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling
"Nasaan na sya‚ naalala mo pa ba noon?"
Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat

Ang mga alon na para bang nagtatawag ng pansin
Sa aking mga binti'y‚ hmm, naglalambing
Mga buhanging nagtataka sa aking mga bakas ng paa
Na dati-rati, oohh‚ ay may katabi

"Nasaan na sya?"
Para bang nagtatanong
Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling
"Nasaan na sya, naalala mo pa ba noon?"
Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat
Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat
Комментарии (0)
Минимальная длина комментария — 50 символов.
Информация
Комментариев пока нет. Вы можете быть первым!
Войти Зарегистрироваться
Войдите в свой аккаунт
И получите новые возможности