0
Nilamon Ng Sistema (Band Version) - Francis M.
0 0

Nilamon Ng Sistema (Band Version) Francis M.

Nilamon Ng Sistema (Band Version) - Francis M.
[Intro]
Ang awit na ito'y inaalay ko sa mga biktima ng ating lipunan
Mga nilamon ng sistema, ating pakinggan

[Verse 1]
Merong akong kakilala ang pangalan ay Pamela
Naghahanap ng trabaho, lumuwas siya ng Maynila
Ako'y nag-alala sapagkat hindi niya nalalaman
Na ang buhay sa Maynila ay 'di basta-basta lang
Mga buwitre ang nagliliparan
Lumilipad sa may siyudad, nag-aantay na lamang
Bubot at inosente, batang-bata wala pang bente
Katorse anyos lang at marami ng kliyente
Niloko siya ng recruiter, hinamak at winasak
Ang kaniyang kinabukasan ay tuluyan nang nawarak

[Chorus]
Nilamon, yeah, nilamon, woah
Ng sistema, yeah, ng sistema, woah

[Interlude]
Ito naman ang istorya ng 'sang batang galing sa broken home
Batang-bata pa, kawawa naman, it goes like this

[Verse 2]
Ito naman ang istorya ng 'sang batang gumagala
Sampung taong gulang palang nagkahina-hinala
Ang kilos ng musmos dahil lasing na naman si itay
At siya'y pinagbuhatan ng kamay
Si inay nagsusugal doon sa madyungan
Napakasakit kapag walang humahagkan
Lumayas sa kanila at nag-alsabalutan
Tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan
D'yan sa kanto, sumasama kahit kanino
Isipin ninyo kung sino ang may sala dito
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?