[Intro: Gloc 9]
Kung alam mo lang kung sino ka sa buhay ko
(Sana'y marinig mo 'to)
Ikaw ang simula at ang papupuntahan ko
(At 'yan ang totoo)
Parang eroplanong papel na hinagis nang malakas
Tangayin sana ng hangin sa landas

[Chorus: Gloc 9]
Papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper
Ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper
May bago si idol, idol, idol ko na rapper
Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
Kahit sa isang kanta

[Verse 1: Hero]
Idol, lodi, 'dol ('dol)
Pwede ka ba na mag-sampol? (pol)
O kaya, pwede pa-arbor (bor)
Ng kanta kahit na love song?
Gustong-gusto kasi kitang maka-kolab-o
Talagang malupit parang 'di ka na tao
'Di nagtitipid, 'di rin nagigipit
Ang tanong ko lang: (῾Dol, pwede pa-picture?)
Sabi ng madami, mabait ka daw
Legit ka raw, marunong magbalik-tanaw
Napapa-wow ako sa kada spit, galaw
Hindi sabaw kapag ikaw nagkakalaw
Natatangay, lahat ay napapasabay
Naglalaway kapag ikaw nagpapanday
Nangangalay ako sa kakapalakpak
Nagagalak na parang may alak sa hapagkainan
Laging bundat sa kaalaman
Kapag ikaw ang napapakinggan
Sana magkaro’n ng pagkakataon na ikaw ay aking malapitan
Magpapapirma sa tagiliran, ipapatattoo ko sa'king pinsan
Nang hindi ka na mabura, nakatatak ka na sa'king puso at isipan
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?