0
O Diyos Iniibig Kita - Himig Heswita
0 0

O Diyos Iniibig Kita Himig Heswita

O Diyos Iniibig Kita - Himig Heswita
[Verse 1]
O Diyos, iniibig, iniibig Kita
Hindi dahil lamang sa'king pag-asa
Na aking makamtan ang langit kong pita
At 'di rin dahilan sa pangamba
Na kapag Ikaw ay hindi ko sininta
Ay ako'y ang aking kakamting parusa

[Verse 2]
O Hesus, narito ang dahilang tunay
Ng aking pag-ibig na lubhang dalisay
Dahil sa sala ko, buhay ko ay inalay
Sa dusang mahapdi't dustang pagkamatay
Tiniis Mo'y pako, sibat, at paghalay
Pawis, kiro't sakit na walang kapantay

[Verse 3]
Tunay na marapat na Kita'y mahalin
O Hesus na lubhang nagmamahal sa akin
'Di dahil sa langit na'king mithiin
O takot sa apoy na lubhang malagim

[Verse 4]
'Di dahil sa gawad na nais kong kamtin
Hindi dahil dito Kita iibigin
Kung paanong ako ay iniibig Mo
Gayun din ang pag-ibig sa'Yo
Ang tanging dahilan ng lahat ng ito
Ay pagka't Hari Ka at tunay na Diyos ko
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?