0
ALAM MO NA - Gloc-9
0 0

ALAM MO NA Gloc-9

ALAM MO NA - Gloc-9
Anong pwede kong sabihin?
Sa dami ng gusto 'kong patigilin
Nag-aabang na matalisod ’di kayang pigilin
Mga itinanim, gustong makatikim
Kahit hindi naman sila ang nagpakaitim

Kung 'di mo diniin tumabi-tabi ka rin
Mahirap humanap kaibigang 'di ka tataluhin
Sa lugar na ang sayo ay gusto rin nila
Kung tanghali kang gumising ay pumila ka

Hindi sapat ang magaling dapat handa ka rin
Na matulog ng dilat ang mata sa dilim
Dahil ang pahinga’y para lang sa mga talunan
Mga nauuna lamang ang gustong maabutan

Mga nasa huli, inggit ay binalutan
Mahahaba na kuko ikaw ay gagalusan
Ng regalo para ba makaakbay sayo
Aapiran ka kunwari magkasabay kayo

Masahol pa sa babaeng nagpabili ng madaming regalong mamahalin kahit di naman kayo
Kaya halika na sa byahe, huwag ka nang umarte
Heto na ang guro mo, sige upo sa klase

Lagi kang tingala pero paatras ang diskarte
Matutong yumuko sa lupa para umabante
Di 'to tulad ng dati, laging hindi kasali
Sahod ay di na bale, ang konti ay dumami
Batikang medyo dyahe, may paninda palagi
Hindi nauubusan tubo na walang lyabe
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?