0
Bugambilya - Belle Mariano
0 0

Bugambilya Belle Mariano

Bugambilya - Belle Mariano
[Verse 1]
Hugis ng pananabik ang namumulaklak sa panimula
Ng isang panahon kung sa'n nais kong umalis
Ibig kong maibalik lahat ng pangako at muni-muni
Ng ating pagsama noong malamig ang gabi

[Chorus]
Paano naman ako?
Lahat ay sinugal para dito
'Di ko na kaya ang ika'y antayin
Sa aking paglisan ay paumanhin
Ang dilim sa Balete, sana 'yong makita
Na ako'y tinadhana sa bugambilya

[Verse 2]
Ako'y dinala sa tabing dagat
Nang halikan ng alon aking mga paa
At muling bumalik sa itinadhanang pag-ibig (Pag-ibig)
At sa aking pagdayo'y ako'y napadpad
Sa piling ng Mayon kung sa'n nalilimutan
Lahat ng sakit tuwing ka-balse ang araw

[Chorus]
Paano naman ito?
Wala nang ipagpapalit para dito
Malaki ang hakbang ng aking pagpasya
Pangako, hindi ka na luluha pa
Ako na ang bahala sa iyong pagkalaya
'Yan ang sabi sa akin ng bugambilya
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?