Unang araw ko pa lang
May bahid na ng dugo
Sa kasakiman ng tatay ko
At kapabayaan ng nanay ko
Ako'y isinilang sa mundong magulo at marumi
Sino bang 'di mahihiya at hindi mandidiri
Tuwing ako'y inyong makikita
Ako ba ang inyong nakikita?
Ah, anong kasalanan ko?
Na ako'y ipanganak sa mundo
Kita niyo ba 'ko?
May pag-asa pa bang magbago?
Balang araw ay ako ay tatada 'di ba
Magkakaroon ng kakayahang pumili ng landas
Kung ako'y magkamali ako ba'y papatawarin
Kung ako'y maging tama malilimutan ba?
At di niyo na sila makikita
Ako na ang inyong makikita
Ah, anong kasalanan ko?
Na ako'y ipanganak sa mundo
Kita niyo ba 'ko?
May pag-asa pa bang magbago?
May bahid na ng dugo
Sa kasakiman ng tatay ko
At kapabayaan ng nanay ko
Ako'y isinilang sa mundong magulo at marumi
Sino bang 'di mahihiya at hindi mandidiri
Tuwing ako'y inyong makikita
Ako ba ang inyong nakikita?
Ah, anong kasalanan ko?
Na ako'y ipanganak sa mundo
Kita niyo ba 'ko?
May pag-asa pa bang magbago?
Balang araw ay ako ay tatada 'di ba
Magkakaroon ng kakayahang pumili ng landas
Kung ako'y magkamali ako ba'y papatawarin
Kung ako'y maging tama malilimutan ba?
At di niyo na sila makikita
Ako na ang inyong makikita
Ah, anong kasalanan ko?
Na ako'y ipanganak sa mundo
Kita niyo ba 'ko?
May pag-asa pa bang magbago?
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.