[Refrain: Because]
Iniiwasan ko na na mag-alak, yosi, mga pausok
Bakit ba napakahirap kayanin dala-dala na pagsubok?
Buhay ko na napaka-alanganin, napakahirap matuto
'Di nagsasawa sila na manira, sabi wala raw sa tutok

[Verse 1: Because]
Sinasabing nag-iba, pero binago niyo ako
'Di naman dating gan'to, oo, 'yun ang totoo
May nilalaan na lang ilan bawal na magsolo
Pamilya inuuna, sa murang edad nagseryoso
Sa murang edad, dami kong nasaksihan
Kasama kakampi ba o may gustong gantihan
Dami na nagpapatama pero 'di madampian
Dahil ako si Because, dami nilang dahilan

[Chorus: Because]
Sinasabing nag-iba, pero sa'n ba sila
Nung hindi ako panalo at ako ay mag-isa
Tinatamaan na 'ko ng alak nakakahiya
Nakakabigla, tingin na sa'kin ay kakaiba
Sinasabing nag-iba, pero binago niyo ako
'Di naman dating gan'to, oo, 'yun ang totoo
'Di naman dating gan'to, oo, 'yun ang totoo

[Refrain: Because]
Iniiwasan ko na na mag-alak, yosi, mga pausok
Bakit ba napakahirap kayanin dala-dala na pagsubok?
Buhay ko na napaka-alanganin, napakahirap matuto
'Di nagsasawa sila na manira, sabi wala raw sa tutok
Yeah, yeah, yeah
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?