[Verse 1]
Halika na aking mahal
At salubungin natin ang Araw na Banal
Ang kapanganakan ng Sanggol sa Sabsaban
Na dinadakila ng sanlibutan
[Verse 2]
Anghel na nag-aawitan
Tatlong Hari na naglakbay para Siya’y alayan
Ang tutubos sa ating mga kasalanan
Upang makamtan ang kasaganahan
[Chorus]
Pakinggan ang kalembang ng simbahan
Pagmasdan ang Belen sa 'di kalayuan
Makihalo sa ingay, sigawan at putukan
Sa pagsapit ng Kapaskuhan
[Verse 3]
Simoy ng hangin ay langhapin
At ating damhin ang ganda ng buong tanawin
Na minsan lang kung mangyari sa isang taon
'Wag palampasin ang pagkakataon
[Guitar Solo]
Halika na aking mahal
At salubungin natin ang Araw na Banal
Ang kapanganakan ng Sanggol sa Sabsaban
Na dinadakila ng sanlibutan
[Verse 2]
Anghel na nag-aawitan
Tatlong Hari na naglakbay para Siya’y alayan
Ang tutubos sa ating mga kasalanan
Upang makamtan ang kasaganahan
[Chorus]
Pakinggan ang kalembang ng simbahan
Pagmasdan ang Belen sa 'di kalayuan
Makihalo sa ingay, sigawan at putukan
Sa pagsapit ng Kapaskuhan
[Verse 3]
Simoy ng hangin ay langhapin
At ating damhin ang ganda ng buong tanawin
Na minsan lang kung mangyari sa isang taon
'Wag palampasin ang pagkakataon
[Guitar Solo]
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.