0
Hanggang Wakas - Juris
0 0

Hanggang Wakas Juris

Hanggang Wakas - Juris
[Verse 1]
Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo
Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa'kin
Ngayon nagtatanong, bakit bigla kang babawiin?

[Pre-Chorus]
Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan
Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman

[Chorus]
Kung p'wede lang pigilan ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dal'wa hanggang wakas

[Verse 2]
Huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa
Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin
Ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin

[Pre-Chorus]
Alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala
Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?