0
Mukha Ng Pera - Stick Figgas
0 0

Mukha Ng Pera Stick Figgas

Mukha Ng Pera - Stick Figgas
[Verse 1: Loonie]
Simula't sapul gano'n na talaga ang ikot ng mundo
Matagal na natin 'tong nararanasan
Napipilitan tayong gawin ang trabahong hindi natin gusto
Para bilhin ang mga bagay na hindi natin kailangan
Kahirapan, sanay na kami d'yan
Higit libo na ang bilyonaryong may kaharian
Ngunit bilyon din ang tag-hirap patay na 'yung ilan
Wala sanang tag-gutom kung pantay 'yung hatian
Alam mo bang animnapung trilyong dolyares
Ang lahat ng pera sa buong mundo
Kung susumahin mo sila kapag hinati natin ng pantay
Bale merong tayong tag-sya-syam na libong aray
Bawat isa laging problema 'pag a-trenta may pang-renta na ba ako?
Wala pa rin pambayad sa punyetang Meralco
Wala kang pera sa bangko, wala kang kwenta na tao
Sa jack en poy ng buhay, palaging papel ang panalo

[Pre-Chorus: Ron Henley, Kat Agarrado]
(Pera) Ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo
'Yan ang nakasulat sa libro
(Pera) Kaso lang napansin ko
Hindi salapi ang salarin kung 'di ang kakulangan nito

[Chorus: All]
Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal 'pag wala kang pera
Marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal 'pag wala kang pera
Kung wala kang datung, wala kang dating
Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim
Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal 'pag wala kang pera
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?