0
Ang Paglingap Ng DIyos - Himig Heswita
0 0

Ang Paglingap Ng DIyos Himig Heswita

Ang Paglingap Ng DIyos - Himig Heswita
[Verse 1]
Ako'y Iyong siniyasat, batid Mo ang aking buhay
Ang lahat kong lihim, Yahweh, ay t'yak Mong nalalaman
Ang lahat ng gawain ko, sa Iyo ay hindi lingid
Kahit Ikaw ay malayo, batid Mo ang aking isip
Kahit Ikaw ay malayo, batid Mo ang aking isip

[Verse 2]
Ako'y Iyong makikita, gumagawa o hindi man
Ang lahat ng gawain ko'y pawang Iyong nalalaman
'Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y
Alam Mo na'ng lahat Iyon, lahat ay hindi malilihim
Alam Mo na lahat iyon, lahat ay di malilihim

[Verse 3]
At kung ako'y makalipad, uwiwas na pasilangan
O kaya ang tirahan ko'y duluhan ng kanluran
Pihong Ikaw ay naroon upang ako'y pangunahan
Matatagpo Kita roon, upang ako ay Iyong tulungan
Matatagpo Kita roon, upang ako ay tulungan
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?