[Intro: Billy Crawford]
Ooooooohh...
[Chorus: Billy Crawford]
'Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili
Pagbutihan mo ng maigi
Kamusta ka na, imposible?
Bakit hindi? Bakit hindi?
'Yan ang sabihin sa sarili
[Verse 1: Gloc 9]
Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang sa
Iyong daraanang hagdanang mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan?
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat
Sabayan hanging habagat
Baga't apoy, bawat patak ng dugo'y
Hindi mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy
Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, walang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan, at sakitin
Pa ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi ka na bumangon ay dun ka pa lang magiging talunan
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.