[Chorus: Rico Blanco]
Magdalena, anong problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Na hanap-buhay mo ngayon
Magdalena, anong problema?
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama'y ikaw ay prinsesa
Anong nangyari sa'yo?
[Post-Chorus: Rico Blanco]
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na'ng ilaw ay patay sindi
Simulan na natin ang istorya
[Verse 1: Gloc-9]
Ako'y kaniyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat niyong malaman, 'wag nang magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda?
Na aking kababata, mula pa nang pagkabata
Kami lagi magkasama, mga bangkang papel sa sapa
Kaniyang ngiti, lumiliwanag ang paligid
At 'pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso para sa kaniya
At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila
Pinakilala niya lalaki na taga-Maynila

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.