[Chorus: J. Kris]
Dami ng gustong kumuha
D'yan na lang sa may bangketa
Para 'di masyadong kita
Ng mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh, oh-oh
Ano ba 'to? Oh-oh, oh-oh
Binebenta ko, oh-oh, oh-oh
Pano ba 'to? oh-oh, oh-oh
Ako lang ang meron nito

[Verse 1: Gloc-9]
Alas dose, hating gabi
Pwedeng pa-gramo-gramo kung gusto bumili
Abutan ng bayad sa may tabi-tabi
Ingat lang dahil baka may makasalisi
Makinig sa istorya, do'n sa may Divisoria
Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria
Palagi nasa lansangan kahit na maalinsangan
'Di siya nag-aalinlangan basta't tamang bentahan
Kaya ingat lang sa kapkapan baka magkabakbakan
May bakal ka ba na dala na katulad nila sinubukang lumaban
'Wag niyo akong tutularan sa tabi ng kaniyang pangalan
May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan
Kailan kaya matututo, 'wag matigas iyong ulo
'Di nakuntento sa porsyento, dividendo kilo-kilo
Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan
Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?