0
Pakiusap - Nica del Rosario
0 0

Pakiusap Nica del Rosario

Pakiusap - Nica del Rosario
[Verse 1]
Aking mahal, pakiusap
Ako ay hindi dalubhasa sa pag-aaruga
Ang iyong puso, sinta
Ang kauna-unahang naging akin lamang
At dito sa'ting mundo
Walang sigurado
Ngunit ang dinarama ay buong-buong-buo

[Chorus]
Kay tagal nang hinahanap
Ang aakmang mga pangungusap
Wala yatang katumbas
Hindi sapat ang, "Mahal na mahal kita"

[Verse 2]
Aking giliw, pakiusap
Tumataya't nangangapa
Pagkaingat-ingat, ngunit nadarapa
Tantiya'y sobra-sobra ngunit laging kulang
Laging nahuhulog
At nadedehado
Ngunit ang pagmamahal ko'y buong-buong-buo

[Chorus]
Kay tagal nang hinahanap
Ang aakmang mga pangungusap
Wala yatang katumbas
Hindi sapat ang, "Mahal na mahal kita"
Kay tagal nang iniisip
Sa lahat ng tamis at pait
Habang kasayaw ang pag-ibig
Paano ko ba iaalay ang musika?
Hindi sapat ang, "Mahal na mahal kita"
Kay tagal nang iniisip
Sa lahat ng tamis at pait
Habang kasayaw ang pag-ibig
Paano ko ba iaalay ang musika?
Hindi sapat ang, "Mahal na mahal kita"
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?