Rap Ka Nga Gloc-9
На этой странице вы найдете полный текст песни "Rap Ka Nga" от Gloc-9. Lyrxo предлагает вам самый полный и точный текст этой композиции без лишних отвлекающих факторов. Узнайте все куплеты и припев, чтобы лучше понять любимую песню и насладиться ею в полной мере. Идеально для фанатов и всех, кто ценит качественную музыку.

[Intro]
Hindi ba’t ikaw yung manunula
Na palaging nasa radyo’t telebisyon?
Mahina ang kalaban, teka muna
Mga utos mong sa'kin ay obligasyon
Palaging bukangbibig, rap ka nga
[Verse 1]
Labing-anim na taon hindi pwedeng mapikon
Mga paa sa buhangin na palaging nakabaon
Parang tubig sa balon pila ng mga galon
Madami pa akong tugon huwag bitawan ang telon
Itaas ng mabuti, punong kakawate
Na may tutubi, bubuling hindi mo mahuli-huli
Pwede bang masabi mo kung pa’nong atake?
Alin d’yan ituro mo kasi medyo madami
Ang napakinggan kong tunog simula pa nung
CD, MP3, bihira pa no’n
Nineteen ninety-three, bata pa ‘ko no’n
Bolpen na pang-ikot ng Cassette, bihasa ‘ko do’n
Kahit sinong makabangga, tatlo lang ang salita
Marahil iniisip nila na ako’y bihasa
Sa pagsulat ng tula o sa pagsasalita
Palagi na lang wala nang ibang sinasabi kung 'di rap ka nga
[Chorus]
Magkano ang pera mong dala patingin
Halika dito tayo magbilang sa dilim
Oo ang sagot pero ba't umiiling?
Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising
Magkano ang pera mong dala patingin
Halika dito tayo magbilang sa dilim
Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Комментарии (0)
Минимальная длина комментария — 50 символов.