[Verse 1]
Noong unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos, laganap ang tuwa
Kapag sa banga, ni butil ay wala
Ang gubat at ilog, may handang biyaya
[Verse 2]
Noong unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon, kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang?
[Verse 3]
Noong unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
[Verse 4]
Noong unang panahon, ang puso ng tao'y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi manggulo
[Verse 5]
Pati na ang langit, na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
Noong unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos, laganap ang tuwa
Kapag sa banga, ni butil ay wala
Ang gubat at ilog, may handang biyaya
[Verse 2]
Noong unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon, kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang?
[Verse 3]
Noong unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
[Verse 4]
Noong unang panahon, ang puso ng tao'y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi manggulo
[Verse 5]
Pati na ang langit, na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.