[Verse 1: Gloc-9]
O aking sinta
Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha
Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi
Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw
Ng mga pusong 'di kita makuhang madalaw
At maabutan man lang ng paborito mong bulaklak
Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak
Sa mundong 'di sigurado, isa lamang ang tiyak
Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak
Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan
Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan
At sa paglubog ng araw di kita matabihan
[Hook: JK Labajo]
Kung kahit saan man mapadpad
Sayo pa rin ako babalik, giliw
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, ooh
Sa halimuyak ng 'yong
[Verse 2: Gloc-9]
Anak, kaarawan mo na ulit
Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit
Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit
Naaalala ka ni tatay t'wing ako'y pumipikit
Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita
Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
O lumangoy sa batis na katulad ng iba
At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta
Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
Ng pasok sa eskwela, puso ko'y nag-uumapaw
Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon
Ngunit agad napapaluha pag ika'y nagtatanong
"Kailan ka uuwi?" Sa'kin ay binubulong
Sagot na, "Bukas na, anak" ay palaging nakakulong
Sa pagtakbo'y madadapa, minsan ay masasaktan
Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.