0
Tag-Araw - Janine (PHL)
0 0

Tag-Araw Janine (PHL)

Tag-Araw - Janine (PHL)
Ikot ng mundo, tila ay bumabagal
Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit

Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang pag-gising

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw

Sana ang init mo'y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik
Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik

Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika'y makapiling

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw

Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?