[Verse 1]
Ang lahat ay nagbabago
Gano'n din ang puso ko
'Di alam kung paano aamin
Kung dapat bang sabihin 'to
[Pre-Chorus]
Ngunit kailangan nang tapangan
At sabihin ang nararapat
Na hindi na nga, hindi na nga
[Chorus]
Alam kong mali na
Pero 'di ko kayang bumitaw
Ika'y masasaktan
Dahil pangako ko'y walang iwanan
Alam kong huli na
Alam kong hindi na nga mahal
[Verse 2]
Oh, ilang beses ding sinubukan
Pinilit ang nararamdaman
Pero kulang, may kulang
[Pre-Chorus]
Natatakot na malaman
Natatakot na iyong husgahan
Na hindi na nga, hindi na nga
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.