[Verse 1]
Isang daang milyong pusong dumadagundong
Hindi na mapipigilan, pakinggan ang ugong
Sa dami ng pinagdaanan, nandito pa rin lumalaban
Mga ngiti, 'yan ang katibayan, tibay ng bayan
[Refrain]
Panibagong simula, 'di na kailangan ng himala
Mala-kongkretong paninindigan
Diyos ang sandigan, kapit kaibigan
[Chorus]
Para sa karangalan, pamilya't bayan
Buong pusong lalaban
Abutin ang ginto, atin ang mundo
Para sa kadakilaan, kalayaan
Walang atrasan, sige lang, laban
Ibahin mo ako, Pilipino ako
Pilipino ako
[Verse 2]
Palaban, hindi umuurong, matatag kahit walang tulog
Pasan man ang buong mundo, 'di paaawat, hindi susuko
Sa dilim, hindi natatakot, sa lungkot, 'di nagpababalot
Dama sa pamilya ang pag-asa, hingang malalim, tara

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.