[Intro]
Hmm, whoa-oh-oh-oh
[Verse 1]
Mas mahal na kita ngayon
Higit pa kaysa noon
Mas mahal na kita ngayon
At sa habang-panahon
[Pre-Chorus]
Wala akong pakialam sa 'king nakaraan
Kahit na ako’y pinagtatawanan
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon, dahil
[Chorus]
'Di mo na ’ko tinutulak sa 'ting hagdanan
'Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
At sa gabi, 'pag ako'y tulog nang mahimbing
'Di mo na ako tinatakpan ng unan
'Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
'Di mo na ’ko sinisipa sa ’king harapan
Mas makinis na rin ang balat sa dibdib
Dahil hinding-hindi mo na 'ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot na sinapit ko noon
’Di ko na ramdam 'pagkat mas mahal na kita ngayon

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.