[Verse 1]
May alam akong apat na dahilan
Ng pag-aasawa at mga kasal
Mayroon diyang kasal na kasunduan lang
Na hindi naman sadyang nagligawan
At mayroon namang napikot lang bigla
Nag-asawa na mula nang mapahiya
Mayroon diyang nagmamahal daw ng tapat
Ngunit kuwalta lamang ang hinahangad
[Verse 2]
At itong huli, tunay na suyuan
Ng isang wagas na pagmamahalan
Kahit 'di gusto ng bawat magulang
Ay tuloy pa rin hanggang sa magtanan
Tama ang isa, tatlo ang mali
Sa mga kasalan sa simbahan
'Yan ang dahilan kung bakit ganyan
Kay ikli-ikli ng kasayahan
[Chorus]
Halina, aking liyag
Kapiling hanggang wakas
Ikaw ang tunay kong mahal
Na iniibig ko nang tapat
Halina, aking liyag
Kapiling hanggang wakas
Ikaw ang tunay kong mahal
Na iniibig ko nang tapat
May alam akong apat na dahilan
Ng pag-aasawa at mga kasal
Mayroon diyang kasal na kasunduan lang
Na hindi naman sadyang nagligawan
At mayroon namang napikot lang bigla
Nag-asawa na mula nang mapahiya
Mayroon diyang nagmamahal daw ng tapat
Ngunit kuwalta lamang ang hinahangad
[Verse 2]
At itong huli, tunay na suyuan
Ng isang wagas na pagmamahalan
Kahit 'di gusto ng bawat magulang
Ay tuloy pa rin hanggang sa magtanan
Tama ang isa, tatlo ang mali
Sa mga kasalan sa simbahan
'Yan ang dahilan kung bakit ganyan
Kay ikli-ikli ng kasayahan
[Chorus]
Halina, aking liyag
Kapiling hanggang wakas
Ikaw ang tunay kong mahal
Na iniibig ko nang tapat
Halina, aking liyag
Kapiling hanggang wakas
Ikaw ang tunay kong mahal
Na iniibig ko nang tapat
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.