Ako’y may isang pusong pinakamamahal
Dugo niyang dumadaloy ang nagbibigay buhay;
Ngunit sa isang sandaling ako ay walang malay
Ang puso’y ‘di makita’t tibok ay naparam. Ay!
Maanong maawa, maanong mahabag
Na isauli ang puso na kinuha’t sukat
Kung alam ko lamang na iyong pag-iingatan
Ay kunin mo pati na ang buhay ko
Mahalin mo sana lamang
Kung dahil sa iyo’y walang kailangan ang mamatay

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.